Oct 7, 2016

Mumunting Tinig ng Isang Pulubi


Mumunting Tinig ng Isang Pulubi

Katha ni: Junrey Belando


Mga batang pulubi, ang tahana'y nasa kalye
Mga mukhang musmos, namumuhay-pulubi
Sila'y pagmasdan, sana'y bigyang paki
Nanlilimos ng kalinga, hindi mapakali.

Umulan man o umaraw, maging sa lalim ng gabi
Patuloy ang hirap, pagsusumamo at pagsasabi
"Palimos po para may makain, mga sir, ma'am at ale
Ako'y namamalimos po, bigyang-awa, kahit kunti."

Namamalimos ng kalinga, sa mga magulang ay ulila
Hustisya ay nasaan, bakit hindi man lang mabigyang-awa?
Paano na lang ang yaring kinabukasan
Kung hanggang ngayo'y wala man lang maasahan?

Oo, kami yaong mga batang pulubi
Walang kwenta at kinamumuhian ng marami
Walang makain, salat sa pag-ibig
Walang patutunguhan, dwalang masasandalan.


    

No comments:

Post a Comment

Thank you for this comment. Your opinion counts!