Jul 15, 2018

Bakit Hindi ka Crush ng Crush Mo?

Bakit hindi ka crush ng crush mo?

ANG SULATING ITO AY MULA SA PERSPECTIVE NG MGA TAONG NAGMAHAL AT NASAKTAN DAHIL SA ONE-SIDED LOVE.

Bakit hindi ka crush ng crush mo?

Complicated. 'Yan ang tunay na kasagutan.

Eh ang puso naman kasi eh! Ewan ko ba kung bakit 'yang puso na 'yan ay hindi ma-control-control. Ba't kasi kung ma-fall ay dun pa talaga sa taong ang hirap-hirap abutin?

Kung sino pa kasi yung taong ang hirap-hirap mapasayo, ay siya pa madalas ang pinambabalingan ng pansin ng damdamin! Siya pa madalas nagpapatibok ng damdamin. Siya pa madalas nagpapakilig. Hay! Wag nga kasing ma-fall kaagad. Ang hirap sayo, binibigyan ng meaning ang mga bagay na hindi naman big deal sa kanya.

But human as we are, we are vulnerable to love. Tao ka ba? Kung oo, you are vulnerable to love. Oo, love yan--mapa-puppy love, infatuation, o ano pa yan, it's still love. The problem is, you love at the wrong time, at the wrong person.

Coming from a person who have never been loved by the person he or she loves, ang sarap siguro ma-inlove sa taong love ka din ano?

Ang sarap siguro makipag-bonding and spend most of your time to the one whom you care and love who also loves you back the way you want to be loved!

You got to have time with her or him together, send sweet messages expressing how much you care and love each other, and everyday you are just secured because you know for a fact that you have someone in your life you can call your "second half."

Well, back to reality! Wala, wala kang girl or boy friend na matatawag eh. Loved one? Meron nga. Pero that "one" does not love you back! In short, love exists but it's only you who is in love. Ouch.

Back to the question: Bakit hindi ka crush ng crush mo?

Hindi ka crush ng crush mo dahil hindi ka n'ya type. Hindi ka n'ya type kaya kahit anong klaseng effort pa gagawin mo, kahit buhatin mo man ang buong mundo, kahit iaalay mo man ang mga bituin sa langit para sa kanya, kahit lumangoy ka man ng maraming karagatan para lamang sa kanya, yung mga effort mong yun ay sayang lamang sapagka't yun ay walang kwenta para sa kanya. Hindi kasi ikaw ang kumukumpleto sa kanyang buhay. Siya nga ang hinahanap ng iyong puso ngunit ibang tao naman ang hinahabol ng kanyang puso. 

Hindi ka crush ng crush mo dahil hindi s'ya ang nararapat sayo. Sometimes, we have the longing to belong to someone that's why we are vulnerable to fall in love to someone especially if that person shows care and concern for you. But take note, hindi lahat ng mga bagay ay bibigyan mo ng meaning. Yung iba sadyang caring lang talaga, caring for everybody. In short, marami kayo, kaya't wag kang magpapaloko dahil at the end of the day, it is so hard to bear if you already fell for someone who cared for you but they just disappear when you're already fallen. Sorry, you fell, without someone to catch you. 

Ang love kasi ay hindi yan karera na kailangan mong magmadali.

Love is something not to rush for. Wika nga nila, "True love waits."

It is better to be cheerful even if you are single. Happiness naman is a choice. Longing for company? How about calling your friends and spend time with them so that you won't feel alone? Or how about spend more time with your family? You can even increase your time joining your church events or local charities. You can even brace yourself and travel to places or commune with nature. Really, there's so much more you can do than think of being lonely. Malay mo, out of these things and more, dun mo makikilala ang someone na para sayo? Uy, huwag umasa. My point is, there's so many possibilities in life and all we have to do is enjoy what we have right now. ;)

My friend, love can wait. Trust me, darating at darating din ang taong mamahalin ka sa paraang deserve mo. ;)