SAWI KA SA PAG-IBIG? In love? One-sided love? Pwes, read on, para sayo ito!
Ang pag-ibig, madalas ay nakakalito. Kung bakit sa taong “taken” ka pa umibig, kung bakit madalas sawi ka sa pag-ibig. Ito at marami pang mga tanong ang madalas kong naririnig kaya heto ang aking lista sa mga “bakit” na ‘yan.
- Bakit kung sino pa itong bigay-todo kung magmahal ay s’ya pang laging sawi sa pag-ibig?
- Bakit hindi pwedeng harapan mong masabi sa kanya na minamahal mo siya nang lihim?
- Bakit doon ka pa umiibig sa taong alam mong mahirap maging sayo?
- Bakit ang hirap kung ikaw lang ang nagmamahal? Bakit mayroon pang tinatawag na one-sided love?
- Bakit may mga taong sadyang pa-fall lang talaga? ‘Yong tipong papakitaan ka ng motibo tapos out of the blue, they just left you hanging?
- Bakit kung ako’y nagmamahal eh sa mga tao pa talagang “taken” na?
- Bakit andaming pagkakataong tanga ako sa kanya? ‘Yun bang kahit halatang niloloko ka lang n’ya, eh kunting lambing lang ayos ka na ulit?
- Bakit may mga taong hindi kuntento sa isa? ‘Yung tipong akala mo nag-iisa ka lang sa buhay n’ya ngunit nalaman mo na lang na ‘andami n’yo palang linoloko n’ya? Saklap!
- Bakit hindi n’ya man lang maappreciate ang effort mo?
- Bakit ang hirap makahanap ng matinong iibigin sa ngayon?
- Bakit may mga bagay na gustung-gusto mo pero mahirap mapapasayo?
- Bakit kung kailan ready ka nang mag-move on ay saka pa siya naglalambing sayo?
- Bakit tila mahirap tanggapin na hanggang crush ka lang sa kanya?
- Bakit pilit pa ring minamahal ng puso ang taong wala ka namang pag-asa?
- Bakit kahit galit na galit ka na sa kanya pero kunting suyo at lambing n’ya lang okay ka na ulit? Yung tipong paramg andali mo siyang patawarin gaano ka man kainis sa kanya.
Ikaw, ano naman ang “bakit list" mo? Comment down at pag-usapan natin.