Apr 22, 2016

Maala-ala Mo Kaya

Pangalan: JUNREY R. BELANDO
Edad: 26 
Contact #: 09264608654
Address: UPPER CAMANJAC, DUMAGUETE CITY, NEGROS ORIENTAL


Dear Ate Charo,

Isang pagpupugay po para sa inyo at sa mga bumubuo ng MMK!

Naalala ko ang sambit ng aking mga guro sa kasabihang, “Ang kahirapan ay hindi hadlang sa pagtatagumpay.” Marahil ito ang nag-udyok kaya naman ay natuto akong bumangon sa tulong ng Dios, sa bawat pagkakataong itinumba ako ng mga unos ng buhay.

Tawagin n'yo po akong Junrey, 26 years old mula sa Dumaguete City at ito ang aking kwento:

Laking-mahirap kaming limang magkakapatid na pilit itinaguyod ng aming mga magulang: si tatay ay isang magsasaka, housewife naman si nanay. Sa kasamaang palad, sumakabilang-buhay ang aking ama limang araw lamang matapos ang aking valedictory speech sa high school. Masakit mang isiping hindi na nga siya nakadalo sa graduation ko, iniwan n’ya pa kaming buong mag-anak nang tuluyan. Hindi n’ya man lang inantay na saksihan ang aking pagtatapos sa kolehiyo, ang aking pagtanggap ng mga sari-saring medalya at parangal. Sinabi ko sa sarili kong napaka-unfair ng kanyang paglisan.

Upang may maipantawid-gutom, kailangan kong tumulong sa pamilya kaya kahit nag-aaral pa ako noon, madami akong pinasukang raket. Kahit nasa elemntarya pa lang ako, tagapagtinda na ako ng ice candy ng grade 1 teacher ko, at sa tuwing sabado ay nagkakapera rin ako sa tuwing ako’y pinagwawalis sa bakuran at pinagpapa-garden ng ibang kapitbahay na mga naaawa sakin.

Naging full scholar po ako kahit nasa high school pa lang hanggang sa napagtapos ko ang college. Magandang tulong naman iyon sakin sapagkat full scholarship ang na-avail ko dahil siguro sa mga consistent awards at pagka-valedictorian ko sa elementary at high school. Nakita din siguro ng teachers ko ang pagkaseryoso ko sa pag-aaral buhat ng mga magagandang scores, kaya naman pambato ako lagi sa school sa tuwing may mga paligsahan sa division.

Mahirap para sa akin na kahit anumang gusto kong mag-aral ay kulang naman kami sa resources; isang kahod, isang tuka lang kaming mag-anak. Gayunpaman, ang sipag at determinasyon ang nagdala sakin sa mga regional competitions at natuwa naman ako dahil ito ang dahilan kung bakit makapunta sa iba’t ibang lugar sa aming rehiyon.

Ngunit para sakin, ang challenging na pangyayari na naranasan ko ay noong January 1 sa taong 2006, nang naitulak ko ang aking tatay na s’ya niyang ikinatumba niya sa lupa. Lasing na lasing si tatay noon, at nasa kasagsagan ng kanilang pag-aaway ni mama dahil gusto niya itong patayin. Sino ba namang anak ang may gustong masaktan ang kanyang itay? Napakasakit sa aking puso upang datnan ang tagpong iyon. Naghiwalay nga ng tuluyan sila mama at papa. Dala ni Mama ang mga kapatid ko at nanirahan sila sa tiyahin ko samantalang ami nlang ni papa ang natira sa aming bahay. Halos gabi-gabi ang aking iyak ngunit sa umaga o sa school palangiti naman ako. Naawa sakin ang mga teachers ko kaya inalagaan din naman nila ako—suportado nila ang aking snacks at baon. Sa araw ng Sabado ay nagtrabaho ako sa kani-kanilang bahay upang maglinis.

Ngunit matapos ang ilang buwang hiwalayan, napansin kong umuubo na si tatay na may haong dugo. Sinabi koi to kay nanay at bumalik naman siya sa amin. Nalaman naming may respiratory infection si papa. Halos isang taon din siyang nakaratay sa kama.

Hanggang sa lumala ang kanyang kondisyon at tuluyan na nga siyang nanghina. Tumutulo luha ko habang pinagmamasdan ang kanyang kondisyon na nahihirapan huminga, habang pinapaypayan. Yun ang dahilan bakit hindi siya nakadalo sa Valedictory Speech ko nung high school.

Isang hapon ng Sabado, habang galling ako sa bahay ng teacher ko na pinagtratrabahuan ko, napansin ko nlang na may kumpol ng tao sa pamamahay naming. Kinabahan ako….

Pagpasok ko sa bahay, humahagulgol ang aking nanay at mga kapatid. Pumanaw na si itay…Masakit, sobrang sakit na iwan ka ng iyong ama. Hindi ko pa naibigay sa kanya ang tagumpay na pinangako ko! Hindi ko pa naipadama sa kanya na proud akong siya naging ama ko.

Buong akala ko ay yun lang ang dagok sa buhay mag-anak namin. Nagkamali pala ako, sapagkat halos wala pa ngang isang buwan nang malibing si Papa, ay naroon na sa tahanan namin ang lalaking kasama-kasama ni Mama. Galit ako kay Mama at sa kanyang kinakasama, sa Dios at lalo na sa aking sarili. Kung hindi lang sana ako umalis ng buhay upang mag-working student, siguro ay mababantayan ko ang aking Mama!

Tila anong paglalaro ba ng tadhana ay halos hindi ko na matanggap ang sumunod na kaganapan nang nagtanan ang aking Mama at ng kanyang lalaki. Nabulabog kaming magkakapatid—ang aming bunsong lalaki ay dinala ng aming eldest at magkasama silang nanirahan sa kanyang pinagtatrabuhan bilang isang kasambahay. Samantalang ang dalawang kapatid ko naming babae ay nakikituloy sa aming tiyahin, samantalang ako nama’y tinuloy ang pagiging working student.

Malaking iskandalo iyon para sa aming mag-anak. Masaklap pa ay nagtanan silang dalawa. Ngunit sandaling panahon lang iyon dahil may sariling pamilya at anak na pala ang kinakasama ni Mama. Mahirap tanggapin nginit naging lasinggera si Mama, sumasama sa inuman ng mga tambay sa labas.

Dulot ng sakit at hiya, si Mama ay lumayo at namasukan bilang isang katulong. Akala namin nagbago na ang mama ngunit doon ay nabuntis siya. Oo, sa umpisa init na init ang ulo ko sa batang nasa sinapupunan niya dahil hindi ko matanggap-tanggap ang mga nangyayari.

Umuwi samin si Mama ngunit ni isang beses hindi sya humingi ng tawad, hindi n’ya ako kinausap. Hindi s’ya nag-explain, hindi ko din naman s’ya pinansin. Oo nga’t iisa ang aming bubong ngunit ni minsan ay hindi ko siya pinansin.


Ang isang pangyayaring nagpabago sa takbo ng tinginan namin bilang mag-anak ay nang isinugod naming si Mama sa ospital mga isang buwan matapos n’yang iniluwal ang half sister namin. Alam mo yung naghihikahos s’ya at hirap na hirap huminga. Ang akala ko na sa mga drama sat v lang nakikita ay nangyari sa akin. Sakay ng traysikel, kita naming na hindi na sya humihinga. Yung pakiramdam na gusto mong sabihin sa mga drayber na padaanin kami, at nang nasa emergency room na ay buong emosyon kong nakikiusap sa mga nurses at doctor na tulungan si mama. Nahirapan silang kunan siya ng bp, kinabitan ng oxygen at dextrose saka tinawag ako ng doctor at pinagalitan kung bakit inantay pang umabot sa ganuong kondisyon bago dinala sa ospital si mama.

Tumatak sa aking isipa ang sinabi n’yang gagawin nila lahat ang abot ng kanilang makakaya ngunit sinabing tatagan ang loob sa kung anuman ang maaring mangyari sa kanya.

Kahit anumang galit mo ay mapawing-lahat kung madadaratnan mo na pala ang iyong nanay na naghihirap. Na-comatose sya sa loob ng isang linggo. Halos ilan-libu ang gastusin sa kanyang medisina at laboratory araw-araw at sinagot ito ng Dios. Nag-aambag-ambag churchmates ko, mga kaklase, mga teachers, at mga government offices nang dumulog ako sa radyo upang humingi ng tulong at dininig naman talaga ng Dios ang panalangin ko.

Laking tuwa naming nung nagkamulat na si Mama. Napahagulgol na lamang siya, Hindi nya man masabi, ay alam kong nagsisisi sya.

Sa ngayon, masaya kaming magkakapatid kasama si Mama at ang aming half sister sa issang bubong. Ngayon, masasabing kumpleto na ulit ang aming pamilya. Ako naman ay biniyayaan ng Dios at ngayo’y magiging isang senior high school teacher na.


Tunay ngang, good things happen to those who wait. Ako din ay isang living testimony na poverty is not a hindrance to success. Above all, to God be all the glory!

No comments:

Post a Comment

Thank you for this comment. Your opinion counts!