Katha ni: Junrey R. Belando
ITO ANG AKING BAGONG SIMULA.
Ilang beses ba akong nagbabasakali?
Ilang beses ko nga bang minaliit ang sarili
Para lamang sayo ay maging kapuri-puri?
Hindi isa, hindi rin dalawa, o tatlo, o maging lima!
Ngunit pag-ibig mo ba ay aking nasungkit
Sa gitna ng mga unos at mga tinahak na mga pasakit?
Isa, dalawa, tatlo, apat, lima
Limang mga katotohanan ang pilit kong pinagbubulagan
Pinilit ko ang sarili na ang mga piring sa aking mga mata ay hindi mamulat sa katotohanan
Katotohanang sa pag-ibig ko sayo ako ay nagpapakatanga.
Isa. Isang chat mo lang sa facebook dati ay kung ano nang saya!
Anong saya sa aking puso na sa aking mga pisngi ay nagpapasaya.
Dalawa. Dalawang beses yata tayong kumain sa labas
Bago ko nalamang lahat ng mga yun ay pagkukunwari lang pala at mga palabas.
Tatlo. Tatlong salita lang naman galing sayo ang lagi kong inaasam
Hindi ko mawari kung bakit ang mga katagang "I LOVE YOU" ay labis ang kapangyarihan.
Apat. Apat na segundo akong natulala bago umagos ang hindi ko
mapigilang pagluha nung narealize ko kung gaano ako katanga.
Lima. Limang mga kataga sa ngayon ay laman ng aking diwa
Limang kataga ang isasabuhay ko sa aking bagong simula:
'HINDI NA KAILANMAN MAGPAPAKATANGA.'