Showing posts with label SPOKEN POETRY. Show all posts
Showing posts with label SPOKEN POETRY. Show all posts

Nov 4, 2018

Spoken Word Poetry: Kumusta?


Spoken Word Poetry: Kumusta?

Junrey R. Belando
October 14, 2018


Kumusta ka na? Masakit pa ba ang mga sugat sa puso mo 
dulot ng taong dati mong sinisinta?
Salamat naman kung okay ka na at unti-unti nang naghilom ang sugat 
o mga sugat sa puso mong kamakailan lang ay tila durog na durog na.
Pinupuri kita sa angkin mong tapang sa pagkubli ng sakit sa damdamin 
sapagkat sa panlabas na anyo ay waring hindi mo alintana.
Ang iyong taglay na tapang at lakas 
upang patuloy na bumangon ay talagang kahanga-hanga.

Nararapat sayo ay gawin kang isang bayani, 
bayani katulad nina Bonifacio, Jacinto at Mabini
Kasintapang mo sila 
bagama’t damdamin lamang at sarili ang iyong sandata
Tunay na hindi matatawaran
 ang ankin mong tapang sa pagkubli ng iyong pagkabalisa
Sapagkat sa labas at publiko 
waring buhay mo’y napaka perpekto 
'pagkat maligaya ang iyong ipinapakita.

Ngunit ang hindi nila alam habang ikaw ay malayang nakikipag-usap o tumatawa
Habang sa paggawa ng iyong mga takda-- hapon man o sa umaga
Habang sa mundo mong ginagalawan ikaw ay abalang-abala
Ay nananaig pa rin sa puso mo ang hapdi, kirot at buhay na walang-gana.

Ngunit bakit sa madla ay iba naman ang iyong ipinapakita?
Bakit kahit pag-iyak ay hindi mo man lang magagawa
Patunay ba ito na ikaw ay patuloy pa ding nagdurasa
Mula sa sakit at hapdi ng kahapong naglalaro pa din sa iyong alaala?

Nasaan na ang mga ngiting 'yon na tunay na maligaya?
Nasaan na ang buhay mong dati-rati ay kaysigla?
Nasaan na ang dating ikaw na tunay na napakaligaya?

Kapatid, tama na. Bumangon ka na at buksan ang iyong mga mata
Buhay mo ay may saysay kahit wala na ang dati mong sinisinta
Kapatid tama na. 
Pakatandaan na hindi ka nag-iisa, 
sapagkat naririyan naman mga taong sa kanila, ikaw ay mahalaga.
Kaya’t bangon na, alisin ang mga bagay na syang nakapiring sayong mga mata
 at harapin ang panibagong yugto pagkat alalahanin mo,
 habang buhay may pag-asa.

SPOKEN WORD POETRY: BUMABANGON


Katha ni: JUNREY BELANDO


Wala akong pakialam, wala na akong nararamdaman
Wala na akong dapat balikan pa, kaya’t wala na rin dapat pag-usapan
Wala na akong sasabihin sapagkat itong puso’y kumbinsido na
Kumbinsido na itong puso’y babangon muli mula sa pagkalugpok
Babangong muli mula sa kanyang pagkamarupok

Kaya’t kahit na tila walang tigil itong mga dagok
Na pilit sumisira sa dating matibay na kahibangan
Ngayon itong puso ay pilit na lumalaban
Lumalaban tayo, lumalaban itong pusong lugmok na lugmok sa kahibangan.

Ayoko na, ayokong-ayoko nang balikan pa
Mga masasayang araw, gabi at oras
Mga dating kaligayahan na sa ngayo’y nakabaon na lamang 
sa alaala ng kahapon.

Ayoko na, ayoko na!
Iyan ang mga katagang nasa aking isipan
Iyan ang mga katagang bumabalot sa aking katauhan
Iyan ang mga katagang nais kong paniwalaan at aking paninindigan
Dahil sa sakit ng dating pag-ibig na puno ng kahibangan.

Ngunit bakit hanggang ngayon ay tila umaasa pa rin
Bakit hanggang ngayon ay umaasa pa din
Bakit naglalaro sa aking isipan na muli ay siya’y makapiling?
Bakit tila ang puso’y hindi natuto sa dinanas na sugat at kabiguan din…

Haaaay! teka muna at itigil na nga. tandaang lahat ng dati ay pawang kahibangan lamang
Kahibangan na sa aking damdamin ay tila bumubulag nang buong tapang
Kahibangan lamang na nais kong wakasan at iwanan nang tuluyan
Ngunit bakit? Bakit may isang tinig o damdamin pa ring pilit umaasa
Umaasang may mangyaring maganda gayong wala naman talagang pag-asa
Pag-asa? Oo, umaasa. Bakit itong damdaming sawi
Ay hindi pa rin mapakali? Bakit umaasa pa rin na  may maganda pa ngang mangyayari?
Bakit tila hindi natuto ang puso sa gitna ng naranasang pasakit?

Puso, tama na. Bumangon ka’t idilat ang mga mata
Sa katotohanang sa pagitan ninyong dalawa
Ay ikaw lang naman ang umaasa
Tanggapin ang katotohanang ang lahat ng iyon 
Lahat ng mga iyon...ay wala lang naman pala sa kanya.

Aug 5, 2018

SPOKEN WORD POETRY: HINDI NA KAILANMAN MAGPAPAKATANGA PA

Katha ni: Junrey R. Belando


ITO ANG AKING BAGONG SIMULA.

Ilang beses ba akong nagbabasakali?
Ilang beses ko nga bang minaliit ang sarili
Para lamang sayo ay maging kapuri-puri?
Hindi isa, hindi rin dalawa, o tatlo, o maging lima!
Ngunit pag-ibig mo ba ay aking nasungkit
Sa gitna ng mga unos at mga tinahak na mga pasakit?

Isa, dalawa, tatlo, apat, lima
Limang mga katotohanan ang pilit kong pinagbubulagan
Pinilit ko ang sarili na ang mga piring sa aking mga mata ay hindi mamulat sa katotohanan
Katotohanang sa pag-ibig ko sayo ako ay nagpapakatanga.

Isa. Isang chat mo lang sa facebook dati ay kung ano nang saya!
Anong saya sa aking puso na sa aking mga pisngi ay nagpapasaya.

Dalawa. Dalawang beses yata tayong kumain sa labas
Bago ko nalamang lahat ng mga yun ay pagkukunwari lang pala at mga palabas.

Tatlo. Tatlong salita lang naman galing sayo ang lagi kong inaasam
Hindi ko mawari kung bakit ang mga katagang "I LOVE YOU" ay labis ang kapangyarihan.

Apat. Apat na segundo akong natulala bago umagos ang hindi ko 
mapigilang pagluha nung narealize ko kung gaano ako katanga.

Lima. Limang mga kataga sa ngayon ay laman ng aking diwa
Limang kataga ang isasabuhay ko sa aking bagong simula:
'HINDI NA KAILANMAN MAGPAPAKATANGA.'