Spoken Word Poetry: Kumusta?
Junrey R. Belando
October 14, 2018
Kumusta
ka na? Masakit pa ba ang mga sugat sa puso mo
dulot ng taong dati mong sinisinta?
dulot ng taong dati mong sinisinta?
Salamat
naman kung okay ka na at unti-unti nang naghilom ang sugat
o mga sugat sa puso mong kamakailan lang ay tila durog na durog na.
o mga sugat sa puso mong kamakailan lang ay tila durog na durog na.
Pinupuri
kita sa angkin mong tapang sa pagkubli ng sakit sa damdamin
sapagkat sa panlabas na anyo ay waring hindi mo alintana.
sapagkat sa panlabas na anyo ay waring hindi mo alintana.
Ang
iyong taglay na tapang at lakas
upang patuloy na bumangon ay talagang kahanga-hanga.
upang patuloy na bumangon ay talagang kahanga-hanga.
Nararapat
sayo ay gawin kang isang bayani,
bayani katulad nina Bonifacio, Jacinto at Mabini
bayani katulad nina Bonifacio, Jacinto at Mabini
Kasintapang
mo sila
bagama’t damdamin lamang at sarili ang iyong sandata
bagama’t damdamin lamang at sarili ang iyong sandata
Tunay na
hindi matatawaran
ang ankin mong tapang sa pagkubli ng iyong pagkabalisa
ang ankin mong tapang sa pagkubli ng iyong pagkabalisa
Sapagkat
sa labas at publiko
waring buhay mo’y napaka perpekto
'pagkat maligaya ang iyong ipinapakita.
waring buhay mo’y napaka perpekto
'pagkat maligaya ang iyong ipinapakita.
Ngunit
ang hindi nila alam habang ikaw ay malayang nakikipag-usap o tumatawa
Habang
sa paggawa ng iyong mga takda-- hapon man o sa umaga
Habang
sa mundo mong ginagalawan ikaw ay abalang-abala
Ay
nananaig pa rin sa puso mo ang hapdi, kirot at buhay na walang-gana.
Ngunit
bakit sa madla ay iba naman ang iyong ipinapakita?
Bakit
kahit pag-iyak ay hindi mo man lang magagawa
Patunay
ba ito na ikaw ay patuloy pa ding nagdurasa
Mula sa
sakit at hapdi ng kahapong naglalaro pa din sa iyong alaala?
Nasaan
na ang mga ngiting 'yon na tunay na maligaya?
Nasaan
na ang buhay mong dati-rati ay kaysigla?
Nasaan
na ang dating ikaw na tunay na napakaligaya?
Kapatid,
tama na. Bumangon ka na at buksan ang iyong mga mata
Buhay mo
ay may saysay kahit wala na ang dati mong sinisinta
Kapatid
tama na.
Pakatandaan na hindi ka nag-iisa,
sapagkat naririyan naman mga taong sa kanila, ikaw ay mahalaga.
Pakatandaan na hindi ka nag-iisa,
sapagkat naririyan naman mga taong sa kanila, ikaw ay mahalaga.
Kaya’t
bangon na, alisin ang mga bagay na syang nakapiring sayong mga mata
at harapin ang panibagong yugto pagkat alalahanin mo,
habang buhay may pag-asa.
at harapin ang panibagong yugto pagkat alalahanin mo,
habang buhay may pag-asa.
😔😔😭👏
ReplyDeleteThanks sa comment Mercy ... ✌😊
ReplyDelete