Aug 4, 2018

PARA SA MGA NAIINIP

Ang saya ma-inlove. 

Pero mas masaya lalo na kung love ka din ng minamahal mo! At kung love ka nga niya, siguro magiging mas magaan ang pakiramdam mo dahil araw-araw may nagpapasayo, may mangungulit sayo, may kasama ka.

Pero paano kung sa love story ninyong dalawa, ikaw lang pala ang nagmamahal dahil hindi mo pa masabi na MAHALaga s'ya sayo? Natatakot kang sabihin sa kanya dahil baka magagalit. O baka masira ang pagkakaibigan ninyong dalawa. 

Kaya mo bang isugal ang pagkakaibigan ninyo sa nararamdam mo? Kung hindi, eh wag mo na lang ituloy lalo na kung ramdam mong hanggang KAIBIGAN lang naman ang turing n'ya sayo.

Siguro kung mahal ka din niya, hindi ka masasaktan nang palihim. Siguro kung alam din niya kung paano suklian ang pag-ibig na iyong damdamin, ay maaaring masasabi mong totoo nga pala ang sinaabi sa fairy tales na "they lived happily ever after." Kaso lang, sa fairy tales lang naman madalas nagkakaroon ng happy endings.

Napakabitter naman.

Actually, may happy endings naman talaga sa totoong buhay. Yun nga lang, sa ibang tao, hindi sayo. Don't worry, malay mo baka you will end up naman talaga to live happily ever after. Maybe not now, maybe later. :) Tiwala lang, kasi true love waits.

TANDAAN, true love exists. Kailan pa darating ang taong magpaparamdam sayo ng true love? Kung hindi mo pa sya kapiling ngayon, just wait. Keep on waiting and pray. Maybe hindi pa sa ngayon, dahil hinahanda pa ni Lord.


No comments:

Post a Comment

Thank you for this comment. Your opinion counts!