Jun 2, 2022

Sana Nga, Siya

 Feeling hyper ako ngayon dahil sa panibagong kalakaran o sadyang ito na nga kaya ang inihahatid ng tadhana para sa akin?


So nakilala ko s'ya dahil sa simpleng pagtatanong n'ya tungkol sa mga bagay-bagay. Unang approach n'ya apa lang sakin, ramda ko ang inosenteng likas n'ya kaya naman bagamat hindi ako nakikipag-usap o nakikipagsabayan, iba yung dating sakin noong panahong iyon kaya ayon na nga at hinayaan kong e-entertain s'ya noon. 


Huminto ako sa akong ginagawa nung time na yun. Nakinig ako. Bingyang-atensyon ang isang taong ngayon ko lang nakita, nakausap. Ngunit kaiba sa mga dating nais makipag-usap saken, iba ang dating n'ya. Kaya siguro ako nahumaling na huminto sa ginawa ko noon. 


Interesado ako. Interesado akong makinig sa kanyang mga kwento at mga tanong na siya namang binigyan ko ng aking oras. 

Fast forward. Kinagabihan, may message s'ya. Sinagot ko naman ang mga karagdagang paglilinaw na nais n'yang malaman. 


Fast forward. The next day, may message na naman siya. Sinagot ko din naman ng maayos. Hanggang ngayong gabi, may pinaparating din siya. Sinagot ko na naman. 


Nagpapasalamat siya sakin. Sabi ko naman, walang anuman at nasisiyahan ako. 


Hindi ko alam kung ano ang magiging hantungan nito. Siya na nga kaya? Hindi ko alam. Tanging panahon lang ang makakapagsabi bagamat masasabi kong may lukso ng dugo akong nararamdaman.


Sana nga siya na. Sana nga, siya. 


:)